Pagninilay Ngayong Araw
Kadalasan ay 'kay layo palagi ng ating pagtingin kapag ang pinag-uusapan ay buhay.
Para bang itinatak na natin sa ating isipan na kailangang paghandaan palagi ang hinaharap.
Wala namang masama, pero sa kagustuhan nating kilalanin ang tayo sa hinaharap,
Mukhang nakalimutan natin kung sino tayo noon, kung sino dapat tayo ngayon.
Na baka yung taong hinahangad mo na maging ikaw sa hinaharap ay ang taong ikaw na noon pa man talaga.
Na baka mas pinapangarap mo na ngayon, na maging ikaw ulit yung ikaw noon kaysa sa magiging ikaw sa hinaharap.
Comments
Post a Comment