Aking Kahinahunan
Sumusulat muli.
Kasabay ng paglapat ng plumang sa papel na ito ay ang aking patuloy na pag-iisip.
Sa magulo at bali-balikong ideya, imahinasyon, mga pangarap, isa ang pagkuha ng litrato sa nagpapakalma, isa sa aking mga kahinahunan.
Ako'y pumikit at inaalala kung paaano ako itinawid sa lumbay ng buhay ng aking pagkuha ng imahe.
Nasa mabagal na yugto marahil ako, sa bahaging sinusubukang matutunan ang lahat, pakiramdaman ang lahat.
Sa mundong 'kay bilis ng takbo ng oras, nandirito akong nakatigil at nag-iisip kung papaano nga ba i-aabante ang isang paa pagkatapos humakbang ng isa.
Salamat dahil binigyan ako ng isang bagay na maaaring maging tulay, tulay sa hinahanap na kapayapaan.
Magpapatuloy na magmasid.
Patuloy na pipitik.
Patuloy na lilikha at maglalakip ng mga alaala na kung hindi kukunan ay maaaring makalimutan ng mahinang memorya.
-Wes
Comments
Post a Comment