HINDI AT OO

Hindi ako nagpakilala sayo para sa huli ay magpaalam

Hindi ako nanligaw upang sa dulo ay ikaw ay iwanan

Hindi ako ngumiti sayo para balang araw ay balutin ang puso mo nang pighati

Hinawakan ko ang iyong mga kamay para kapitan at kailanman ay hindi

Tiningnan kita at hindi nagdalawang tanaw na pangarapin ang bawat bukas na kasama ka

Tinuring kita na prinsesa hindi para ipagyabang kundi para pag-alayan ka ng aking pagmamahal araw-araw

At oo, may mga pagkakataon na hindi ganoong katingkad, hindi ganoong kasigla ang pagmamahal na kayang ibigay

Oo, dadating ang mga pagsubok, problema, na sa ati'y hahadlang at huhusga

Pero oo, gusto ko na malaman mo na oo 

Oo, tinatanggap ang buhay na ganto

Oo, pipiliin ko na ika'y makasama sa lahat ng maaaring mangyari sa buhay ko

Oo, hinding-hindi ko sasayangin ang "oo" na binigay mo

Oo, mahal na mahal na mahal kita, mahal na mahal.

At kung tatanungin ulit kung nanaisin ko na makasama ka habang buhay

Oo, hinding-hindi ako sasagot ng hindi dahil oo, gusto at tinatanggap ko


Comments

Popular Posts