Sa Piling ni Inang Kalikasan
Isang planong biglaan lamang, nangyari kinabukasan, at nagmarka ng isa bagong karanasan sa aking buhay.
3:30 ng umaga
Maagang gumising upang maghanda. Tulad ng nakasanayan gawin tuwing umaga, nariyan ang mainit na kape upang mainitan ang sikmura. Nakahanda nadin ang aking gamit.
5 :35 ng
umaga
Sumakay kami
ng aking kasama sa bus patungong Sta. Cruz, Laguna. Ninais kong makatulog sa
aking kinauupuan ngunit ginigising ako ng pananabik at pag-iisip ng pangunang
hinuha sa maaari kong makita sa aming pupuntahan. Ang aming destinasyon ay ang
Bundok ng Romelo sa Siniloan, Laguna. Alasais disisyete na ng umaga noong kami'y bumaba at sumakay sa jeep patungong Siniloan.
Ang aming byahe ay malumanay lamang. Nadaan naming ang mga bayan ng Pagsanjan, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil at Pangil. Mag-iisang oras din bago kami nakadating sa bayan ng Siniloan. Habang iniintay naming ang aming sundo, napag-isipan naming na dumaan muna sa simbahan.
7:42 ng umaga
Nagsimula kaming maglakad.
Sa bungad pa lamang ay may ilog na ang tubig ay sinasabing galing daw sa talon, ang aliwalas sa pakiramdam ng malamig na tubig.
Patungong paraiso kung pagmamasdan ang waring pintuan papun sa Bundok Romelo. Ang mga puno ang syang nanggigiliw sa mga tao at nag-iimbita na magpatuloy sa paglalakbay.
Nais abutin ng aking kamay ang ganda na aking nakikita.
Limampung piso kapalit ng aking paglalakbay. Walang panghihinayang kung ang kapalit ay ikaw Ina. Isang tulay patungo sa bundok na aming paroroonan, nagbibigkis sa tao at kalikasan.
Sa aming paglalakad ay may nakasabay kaming taga roon. ako ay napahanga sapagkat nakakaya pati ng kabayo na umakyat sa matarik at makipot na daan. Ang daan ay hindi patag tulad sa ibang bundok na aking naakyat na. Mukhang mapapasubok ako nito.
Kami ay panandaliang tumigil at ninamnam ang tanawin mula sa aming pagkakatayo. Kasabay na din nito ang saglitang pamamahinga sa nakakapagod na pag-akyat. May dala kaming tubig pamatid uhaw. Mga ilang minuto lamang at nagpatuloy na ulit kami.
Sa una, panay ang aking tanong, " Malayo pa ba tayo?", may pananabik na din ng dahil sa pagod. Ang aking katawan ay nagnanais nadin lumublob sa kung maaari'y nagyeyelong tubig upang maibsan ang pagkabanas. Ang maputik at mabatong daan ay nagpapadagdag sa hirap at nakakapagpahapo pa.
Inabutan na kami ng pagtirik ng araw. Nararamdaman na ng aming palat ang kaunting kirot sa pagkabilad. Patuloy ko na lamang sinasabi na makakarating din kami, makakarating din.
Sa pagmamadali ay tumakbo ako at hindi napansin ang nakausling kahoy. Talaga nga naming hindi maaaring hindi ako mag-iiwan ng marka sa tuwing ako ay aalis. Ang galos ay sya pang nagpalakas at nagpapawi ng pagod.
Kami ay muling namahinga, ang aking mga kasamahan ay bumili ng buko. Bente ang isa, naisin mang tumawad ngunit aing naisip ang kalagayan ng kanilang buhay kay agad iniabot ang bayad. May sampung minuto ata kaming tumigil at hindi naiwasang makipagkwentuhan sa taong nandoon. Ilan sa mga paksang aming napag-usapan ay ang kanilang buhay sa bundok, kung papaano sila nakakababa at nakakaakyat muli at ang nalalapit na eleksyon. Kami ay nagpaalam na din, sapat na ang aming pahinga upang magpatuloy muli.
Pababa ang daan, agad kong natanaw ang karatulang kinalalagyan ng pangalan ng talon. Ang aking akala ay agad ko ng matatanaw ito ngunit hindi.
Sa tuktok pala ang aming kinalalagyan at kinakailangan naming bumaba muna.
Ang aming pagbaba ay hindi naging madali. Dahan-dahan ang naging pagbaba, ang tanging iyong mahahawakan ay mga bato,kahoy at ugat ng puno upang maiwasan ang pagkadulas at ang tuluyang pagkahulog. At eto na ang aking pinakahihintay.
Tulala at manghang-mangha. Hindi alintana ang naging pagod at hirap. Mistulang naging bato sa aking kinatatayuan, kahit nasa ilalim pa ng araw. " Ang ganda, ang ganda ganda. ". Ramdam ko ang lamig ng kapaligiran na tumatagos sa aking kalamnan. Ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas ay aking naririnig, waring parang aking paboritong musika na kay sarap pakinggan ng paulit-ulit. Ang pagdampi ng dumadaloy na tubig sa aking mga paa ay tuluyang humili sakin upang humiga at lumangoy sa mumunting paraiso na ito.
Sunod naming pinuntahan ang sinasabing Talon ng Lanzonez, ito ay hindi kalayuan sa lokasyon ng Buruwisan kung kaya't kami ay nagpasya na ito ay saglitin. Ang daan patungo dito ay higit na mas madali na sapagkat hindi na ganoong matarik ang kailangang daanan.
Ang unang pagsilay ay may pagkasabik padin. Tumigil ako ng saglit at aking pingamasdan ang kanyang ganda. Ang puso ko ay manghang-mangha at kung aking iisipin ay may nakatira sa kanyang diwata. Para akong pumasok sa ibang dimensyon na kung may pagkakataon nga'y nanaisin kong gawing tahanan.
12:46 ng tanghali.
Oras na para bumalik. Muling nag-ipon ng lakas para sa mahigit kumulang dalawang oras na paglalakad.
2:25 ng hapon.
Bumalik ang lahat sa simula.
Sa aming pagbalik kami ay napadaan sa simbahan ng Pakil. Dito ako nagpasalamat sa ligtas at makabuluhang araw na naibigay sa akin.
Ika-12 ng
Abril, taong dalawang libo’t labing anim.
Maagang gumising upang maghanda. Tulad ng nakasanayan gawin tuwing umaga, nariyan ang mainit na kape upang mainitan ang sikmura. Nakahanda nadin ang aking gamit.
Ang aming byahe ay malumanay lamang. Nadaan naming ang mga bayan ng Pagsanjan, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil at Pangil. Mag-iisang oras din bago kami nakadating sa bayan ng Siniloan. Habang iniintay naming ang aming sundo, napag-isipan naming na dumaan muna sa simbahan.
![]() |
| ParroquÃa de San Pablo y San Pedro |
Kami ay humingi ng gabay na nawa'y maging maayos at makabuluhan ang aming gagawin at lalakbayin sa buong araw.
Sumakay kami ng tricycle patungo sa Brgy. Macatad, Siniloan, Laguna. Doon magsisimula ang mahigit kumulang dalawang oras na paglalakad patungo sa Talon ng Buruwisan.
7:42 ng umaga
Nagsimula kaming maglakad.
Sa bungad pa lamang ay may ilog na ang tubig ay sinasabing galing daw sa talon, ang aliwalas sa pakiramdam ng malamig na tubig.
Patungong paraiso kung pagmamasdan ang waring pintuan papun sa Bundok Romelo. Ang mga puno ang syang nanggigiliw sa mga tao at nag-iimbita na magpatuloy sa paglalakbay.
Nais abutin ng aking kamay ang ganda na aking nakikita.
Limampung piso kapalit ng aking paglalakbay. Walang panghihinayang kung ang kapalit ay ikaw Ina. Isang tulay patungo sa bundok na aming paroroonan, nagbibigkis sa tao at kalikasan.
Sa aming paglalakad ay may nakasabay kaming taga roon. ako ay napahanga sapagkat nakakaya pati ng kabayo na umakyat sa matarik at makipot na daan. Ang daan ay hindi patag tulad sa ibang bundok na aking naakyat na. Mukhang mapapasubok ako nito.
Kami ay panandaliang tumigil at ninamnam ang tanawin mula sa aming pagkakatayo. Kasabay na din nito ang saglitang pamamahinga sa nakakapagod na pag-akyat. May dala kaming tubig pamatid uhaw. Mga ilang minuto lamang at nagpatuloy na ulit kami.
Sa una, panay ang aking tanong, " Malayo pa ba tayo?", may pananabik na din ng dahil sa pagod. Ang aking katawan ay nagnanais nadin lumublob sa kung maaari'y nagyeyelong tubig upang maibsan ang pagkabanas. Ang maputik at mabatong daan ay nagpapadagdag sa hirap at nakakapagpahapo pa.
Inabutan na kami ng pagtirik ng araw. Nararamdaman na ng aming palat ang kaunting kirot sa pagkabilad. Patuloy ko na lamang sinasabi na makakarating din kami, makakarating din.
Sa pagmamadali ay tumakbo ako at hindi napansin ang nakausling kahoy. Talaga nga naming hindi maaaring hindi ako mag-iiwan ng marka sa tuwing ako ay aalis. Ang galos ay sya pang nagpalakas at nagpapawi ng pagod.
Kami ay muling namahinga, ang aking mga kasamahan ay bumili ng buko. Bente ang isa, naisin mang tumawad ngunit aing naisip ang kalagayan ng kanilang buhay kay agad iniabot ang bayad. May sampung minuto ata kaming tumigil at hindi naiwasang makipagkwentuhan sa taong nandoon. Ilan sa mga paksang aming napag-usapan ay ang kanilang buhay sa bundok, kung papaano sila nakakababa at nakakaakyat muli at ang nalalapit na eleksyon. Kami ay nagpaalam na din, sapat na ang aming pahinga upang magpatuloy muli.
Pababa ang daan, agad kong natanaw ang karatulang kinalalagyan ng pangalan ng talon. Ang aking akala ay agad ko ng matatanaw ito ngunit hindi.
Sa tuktok pala ang aming kinalalagyan at kinakailangan naming bumaba muna.
Ang aming pagbaba ay hindi naging madali. Dahan-dahan ang naging pagbaba, ang tanging iyong mahahawakan ay mga bato,kahoy at ugat ng puno upang maiwasan ang pagkadulas at ang tuluyang pagkahulog. At eto na ang aking pinakahihintay.
Tulala at manghang-mangha. Hindi alintana ang naging pagod at hirap. Mistulang naging bato sa aking kinatatayuan, kahit nasa ilalim pa ng araw. " Ang ganda, ang ganda ganda. ". Ramdam ko ang lamig ng kapaligiran na tumatagos sa aking kalamnan. Ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas ay aking naririnig, waring parang aking paboritong musika na kay sarap pakinggan ng paulit-ulit. Ang pagdampi ng dumadaloy na tubig sa aking mga paa ay tuluyang humili sakin upang humiga at lumangoy sa mumunting paraiso na ito.
Sunod naming pinuntahan ang sinasabing Talon ng Lanzonez, ito ay hindi kalayuan sa lokasyon ng Buruwisan kung kaya't kami ay nagpasya na ito ay saglitin. Ang daan patungo dito ay higit na mas madali na sapagkat hindi na ganoong matarik ang kailangang daanan.
Ang unang pagsilay ay may pagkasabik padin. Tumigil ako ng saglit at aking pingamasdan ang kanyang ganda. Ang puso ko ay manghang-mangha at kung aking iisipin ay may nakatira sa kanyang diwata. Para akong pumasok sa ibang dimensyon na kung may pagkakataon nga'y nanaisin kong gawing tahanan.
12:46 ng tanghali.
Oras na para bumalik. Muling nag-ipon ng lakas para sa mahigit kumulang dalawang oras na paglalakad.
2:25 ng hapon.
Bumalik ang lahat sa simula.
Sa aming pagbalik kami ay napadaan sa simbahan ng Pakil. Dito ako nagpasalamat sa ligtas at makabuluhang araw na naibigay sa akin.
Ang bigyang pansin ang sarili natin ay mahalaga. Minsan ito yung nagbibigay motibasyon at inspirasyon para magpatuloy tayo sa buhay. Ang pagtuklas ng iba't-ibang bagay na makabuluhan ay parte na ng aking pagkatao. Ngayon aking nakapiling ang Inang Kalikasan. Ang gandang kaya nyang ihandog sa mga nagmamahal sa kanya ay walang kapares, tanging sa mga mata ng mga tumutingin sa kanya magkakaroon ng pagkakaiba-iba. Salamat, maraming salamat. Panandalian akong nakatakas sa mundong araw-araw kong ginagalawan.
























































































Comments
Post a Comment