Ikaw ay aking nakita
Na pinagmulan ng lahat
Pinagmasdan, nakilala, kinaibigan

Naging malapit, nagkwentuhan

Hanggang sa lumalim ng lumalim
At ang pagtingin ay naging iba
Ang kaibiga’y napunta sa paghanga
Susulyap sulyap, ngingiti-ngiti
Hinihintay pagdating at pag-uwi
At inalam lahat ng iyong gusto
Paboritong kulay, paboritong tinapay
Kasama na din ang mga iyong mga ayaw
Hiningi iyong numero
At hanggang sa gabi ikaw at ikaw
Hanggang sa napagdesisyonang
Magpakilala ng pormal ;
Umamin, kinabahan at naging handa
Na ang paghanga ay isinusulong na sa pagmamahal
Pag-ibig na noo’y walang kasiguraduhan
At paninindigan lamang ang pinanghahawakan
Nanligaw, nagtyaga, naghintay
Pumila, naghintay ulit, at naghintay ng paulit-ulit
Rosas, sulat, rosas, sulat
Kasama ang matinding dasal
Na kung iyong mararapatin ay piliin mo sana
Mahal kita, mahal kita, at mahal kita
Dumating ang araw
Na kung saan ang damdami’y naging isa
Na ang mahal kita ay naging mahal na din kita
Na ang sulat ay may bumabalik na
Na ang dasal mo’y dasal na rin nya
Na tamang panahon nalang para maging “ legal “ na
Naglakbay, nagbahagi, pinagsaluhan
Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal
Punta dito, punta doon, sakay dito, sakay doon
Walang pakielam kung saan man mapadpad
Dahil alam mo na, alam mo na
Na sa tabi parin nya ang destinasyon mo
Na sa kanya padin ang bagsak mo
Naging magaan, komportable
na minsa’y humahantong na din sa awayan
Sumbatan, minsan sigawan
Pero makapangyarihan ang salitang mahal kita
Na syang nagpapakalma sa parehong nadarama
At may unti-unting tinig .. “ mahal din kita “  ang sinasambit
Napapawi, bumabalik ang lambing,
yayakap at maglalaho ang lungkot
Dumating na dumating na
Pagdiriwang ng kaarawan ay sumabit na
Espesyal na araw nya at magiging espesyal na araw namin
Na ang simula ng buhay nya ay magiging simula na ng araw namin
Hinayag, pinayagan, noong ikalawa
Kasama ang pangako na mamahalin sya
Walang katulad, walang kapantay na pakiramdam
Masaya, masaya, masaya
Hindi, may malungkot din pala.
Dahil sa isang araw, sa isang isang isang araw
Ay lilisan na sya.
Iiyak, iiyak, iiyak
Parang hindi ko yata kaya
Iniisip, paulit-ulit
Parang ang hirap
Niyakap, umiyak at pinaramdam
Na parang ayaw mo syang pakawalan
Na kung maaari mong itakas’iuwi ay ginawa na
Na ang naging isa ay bumabalik sa dalawa
Umalis, unti-unting umalis
At unti-unti mo ring pinagmamasdan
Lilingon kaya? Lilingon kaya?
Babalik kaya? Babalik kaya?
Nanalangin ng taimtim
Ingatan nyo po sya, at alam kong babalik
Ilang linggong nalungkot
At hanggang ngayo’y may kakaunti
Nangungulila, napupungaw sa bawat sandali
Humuhiling, hiniling na sana’y nanditong muli
Hinihintay-hintay padin
Ang pagbalik ng aking pag-ibig
Madaming tinadhana, madaming tama sayo
Pero higi’t sa lahat, mas bagay ka dito sa piling ko.
 
Maghihintay ako, maghihintay ako.  

 

Comments

Popular Posts