Sa isang dako, pinagbuklod
hindi pangkaraniwan at natatangi
Sa kung saan pareho mong madarama
ang kaginhawaan at kasawian
Iyong maaaninag
Liwanag sa gitna nang kadiliman
Ayon at matatanaw, ang langit at ang kawalan
Ang paligid ay napapalibutan ng rosas
Mabango, maganda ngunit matinik

Eto pala....

Eto nga..


Sa kung saan nagbubuklod ang lungkot at saya
Na kung saan nabuo ang isang konsepto't pakiramdam
na kung tawagin nila ay pagmamahal.

Comments

Popular Posts