T I B O K
Sabay sa indak ng katawan ay ang ligayang maaaninag sa kanilang mga mukha, wari mo'y nananahan sila sa isang lugar na walang batas na kailangang sundin, walang mga matang mapanghusga, na parang pantay lamang ang tama at mali. Bumibilang, tumuturo at sumasayaw na parang huling araw na sa mundo. Walang pag-aalinlangang ipakita kung ano ang tunay na pagkatao, kung ang kapalit nito ay lubos na kaginhawaan sa kalooban.
Palit kulay, may berde,lila't asul, sabay sa usok na humihigit sa mga katawan para tumalon at taglayin ang saya. Hindi ko sukat akalain na ganoon pala, ganoon pala. Dumadagundong ang kapaligiran at naghihiyawan ang lahat. Kung ang mata ay makakapagsalita, nanaisin nila agad-agad, para ipahayag ang tunay na saya, ang malayang galaw. Isabay mo lang lahat, makinig, pakiramdaman, katulad ng sa puso, tulad ng sa awit, sumabay ka lang sa bawat pagtibok.
Comments
Post a Comment