Maligayang Kaarawan Janelle Grace

Naaalala ko dati nung tinanong mo ako kung ano yung tingin ko sayo, na kung ipapaliwanag ko kung sino ka at ano ka, sino ka at ano ka? At kung ano yung tingin ko sayo.  Sa mahigit tatlo nating pagsasama, madami akong bagay na nakilatis at nakita sayo. Janelle Grace, ngayon lang ako magsasalita ng ganto ng may buong eksplanasyon at syempre ng buong puso. Ikaw yung babaeng kahanga-hanga sa lahat ng aspeto ng buhay. Maganda, matalino, magaling sumayaw, magaling mamuno, sa makatuwid ikaw yung babaeng sumalo lahat ng biyayang maaaring ipagkaloob ng Diyos... pero yan lang ang alam nila. pero sakin, ikaw si Janelle Grace na maganda kahit simple lang manamit, yung kahit bagong gising, pawisan, di pa naliligo, pero hindi nakakasawang titigan. Ikaw yung Janelle Grace na mapagmahal , at araw-araw kong nadarama yan. Ikaw yung babaeng totoong magmahal, lalo't higit sa pamilya mo. Gagawin mo ang lahat mapasaya lang at maiparamdam sa iba kung gaano sila kahalaga sa buhay mo. Isa sa pinakahinahangaan kong abilidad mo ay yung magparamdam ng pagmamahal gamit ang gawa kesa sa salita, ang pagmamahal mo ay hindi ang  magsabi ng mga matatamis na salita kundi ang gumawa ng mga bagay na may pagmamahal sa abot ng makakaya mo. Sobra kitang hinahangaan Janelle at ngayon ko lang ata nasasabi ang mga ito. Sobra ko lang kasing dinadama yung buong pagkatao mo at minamahal yung Janelle na meron ako ngayon. Oo malungkot na ngayong kaarawan mo hindi kita makakasama, walang mga bulaklak, walang regalo, walang cake, walang yakap, pero merong " pagmamahal " na magbibigay padin ng espesyal na pakiramdam para maramdaman mo na nandyan lang ako sa tabi mo... kakantahan ka ng happy birthday sabay bating " Happy 18th Birthday Janelle ko ".

Maraming salamat Janelle Grace sa oportunidad na maging bahagi ng buhay mo.. nakakatuwa lang isipin na kasintahan na talaga kita ngayon.. na pwede ko nang sabihin na " Uy Girlfriend ko yan" na wala ng takot kasi ayos na ang lahat. Na dati, parehas lang tayong nagbabahagi at nagttanong sa isa't-isa kung anu-ano yung mga pangarap natin, ngayon magkasama tayo sa bawat pangarap natin na natutupad na. Masayang-masaya ako na nakasama mo na ulit si Mama mo, na alam ko na yan ang pinaka pinapangarap mo, na sabi mo na bubuo talaga sa pagkatao mo. Mahal na mahal kita Janelle, magkalapit o magkalayo man tayo. Hindi ko din alam kung paano ko lahat nagawa o paano ko narating yung posisyon ko ngayon pero alam kong dahilan ay ang pagmamahal ko sayo at ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Napatunayan ko na wala talagang hindi kakayanin kapag mahal nyo ang isa't-isa at marunong kayong makuntento, kaya paulit-ulit kitang pinipiling mahalin dahil alam kong ikaw ang mahal ko.

Ang dami ko na agad nasabi no? Pero wala pa yung pormal na pagbati? Pasensya na kasi napangunahan agad ng pagmamahal. Eto na, maligayang kaarawan Janelle Grace, maligayang kaarawan kasintahan ko. Nag-iisip ako nang bago ko pang pwedeng gawin hanggang sa maalala ko yung album natin dito sa laptop ko. Madalas kasi pagnaglalakbay ako, ikaw yung kasama ko. Mahilig akong kumuha ng mga litrato kaya nakarating ako sa ideyang " Bakit hindi kaya kumuha ako ng labing-walong litrato nya na nagpapakita kung sino siya kapag magkasama kami? ". Ginawa ko syang itim at puti para mabawasan ang sobrang interpretasyon sa larawan, may pagkakapantay-pantay sa kulay at tanging ang emosyon na lamang ang kailangang suriin. Gusto kong balikan mo yung mga araw na magkasama tayo, nung araw na kinuhan kita ng litrato, gusto kong maramdaman mo na kasama mo ako, na ngayong kaarawan mo may espesyal na lalaking handang magparamdam sayo kung gaano kaniya kamahal kahit malaki ang agwat ng inyong kinatatayuan. Magkalayo man tayo, gabi diyan, umaga dito, gagawa at gagawa ako ng paraan mapasaya ka lang. Ngiti mo lang, napapawi na lahat ng pagod at lungkot na naramdaman ko buong araw... " stress reliever " kung baga. Kung may tanging hiling ako para sayo, yun ay yung magtiwala ka sa sarili mo at kakayahan mo. Wag na wag mong iisipin na may kulang sayo. Marunong kang magmahal at ipagpatuloy mo yan, buksan mo yung puso mo palagi at piliin mo laging magmahal. Kapag naguguluhan ka o may mga tanong ka na hindi malinaw ang sagot, magdasal ka lang at pangakong giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ingatan mo din ang sarili mo para maging maayos ang kinabukasan mo, umayos ka kasi papakasalan pa kita, ayaw ko ng sakiting misis.  At syempre, maging masaya ka lang palagi. Masaya na malawak ang kahulugan, masaya kahit na may problema, masaya na humaharap sa bawat pagsubok ng buhay at masaya na may kaginhawaan na nadadama sa kalooban.  Miss na kita Janelle at sana kahit papano may naiambag akong saya sa espesyal na araw mo. Nandito lang ako ha? Mahal na mahal ka ng Boyfriend mo. Mahal na mahal. Hanggang sa muli mong kaarawan.



















Comments

Popular Posts