Sa Aking Pag-iisa

Hindi ko masukat akalain na dito ko matatagpuan
Saya't pighati, ito ang naging kanlungan
Digta ng tadhana, ihip ng kapalaran
ang pagdaloy ng buhay sa iba't-ibang hantungan

Hindi ba't malungkot kapag mag-isa?
Ikaw at ang mga sinsay, kayo lang dalawa?
Animo'y ang mundong iyong ginagalawan ay nawawala na?
Hindi ba't malungkot 'pag walang kasama?

Nakatali sa iisang sulok, ideya'y limitado
Dilim na nakapaligid sa bawat sulok, pintong nakakandado
Ang tanging naiisip, ang tanging 'dama ko
"Sarili ko lang ang bumubuo sa pagkatao ko"

Ngunit sa aking pag-iisa, ibang dimensyon ng buhay ang nakita
'na hindi sa lahat ng pagkakatao'y, lungkot lang ang dala
Ang realidad ng buhay ay nakabase sa dalawa
nasa kung ano ang pipiliin, nasa mali o tama ka

Sa aking pag-iisa, aking napag-isa't nahanap
ang mundo ng katotohan at ang  sa pangarap
May mga bagay na taglay at mayroon ding hinahanap
Sa aking pag-iisa, bigay saking buhay ay natanggap. 

Comments

Popular Posts