G I N H A W A
" May mga bagay kang hinihiling, kadalasan tungkol sa sarili mong nararamdaman, sana maging masaya ka, sana makakain ka ng tama palagi sa oras, sana mahanap mo na ang tunay na pag-ibig na matagal mo ng hinahanap. Kasama na din yung para sa pamilya mo, na sana maging masaya at wala sa inyo ang magkakasakit... Wag lamang natin kakalimutan yung salitang Salamat at Patawad. Magdasal ka dahil magpapasalamat ka, magpasalamat ka dahil buhay ka, at mabuhay ka ng punong-puno ng pagmamahal dahil alam mong maswerte kang humaharap sa araw-araw ng humihinga at patuloy na tumatanggap ng biyaya ng Panginoon. Humingi ka ng patawad, sapagkat hindi ka perpekto,aminin mo ang mga kasalanan mo at huwag na huwag bubuhayin ang galit at poot sa iyong puso. Wag mong bubuhayin ang sarili mo sa problema sapagkat hindi lang ikaw ang may problema sa mundong ito. Palayain mo ang sarili mo at isuko mo ang lahay sa Kanya. At sa huli, mararamdaman mo ang tunay na kahulugan ng ginhawa. "



Comments
Post a Comment