PAGTAHAK SA TAYAK - Isang Makabuluhang Paglalakbay
March 31, 2015 ( Tuesday )
5:19 a.m
Saktong oras ng pag-alis sa aming tahanan. Kailangang umalis ng maaga upang hindi abutan ng init ng araw pag-akyat.
5:28 a.m
Narating namin ang bayan ng San Pablo kung saan kami naghintay ng jeep patungong Rizal, Laguna. ( Ako ay nakarating na sa Rizal noon ngunit hindi ko alam na mayroon pala itong natatagong isang banal na lugar )
Ganap na ika-anim na oras at siyam na minuto ng umaga ng makababa kami sa sa Paaralang Elementarya ng Rizal. At doon kami'y naghintay sa aming kasama. Naghanap na din ang aking Nanay ng aming masasakyat sapagkat may kalayuan ang aming lalakbayan papunta ng Tayak Hills. Dumating na kaibigan ng aking Nanay. Isang daan at limampo ang aming ibinayad para sa mahigit kumulang na labing-limang minutong byahe. "Tara na!"
Matarik,liko-liko ngunit ang daan nama'y konkreto. Hindi rin naging madali kahit kami'y nakasakay. Ang tarik ng daan ay syang nagpapahirap upang kami'y makaahon at magpatuloy sa aming patutunguhan. " Ngunit tuloy ang byahe.... "
Hanggang sa maibaba kami. Eto na ang simula ng aming paglalakad. 6:30 na ng umaga marahil noong kami'y ibinaba at napagpasyahan ng maglakad sapagkat masyado ng matataas ang daan at magiging mahirap at mapanganip kung kami'y sasakay pa.
Mayroong tuwid na daan na masarap sa paa, mayroong ding liko-liko na kung saan susubukan ang tatag ng iyong binti. " Penetensya na din natin ito.. tuloy lang tayo".
" Kaunti nalang, malapit na tayo.." Natatanaw na ng iyong mga mata, kaya malapit na. Wag kang panghinaan ng loob sapagkat may pagkakataon ka ng matupad ang isa sa mga hangarin mo.
Malapit nako... malapit na...
Eto na.
Ayan na.
8:00 a.m
Sa Wakas! Sa Wakas! Agad kong kinuhanan ng litrato ang bawat tanawin na makikita ko. Nakakamangha! Nakakagalak!
At ang makita mo ang lugar na pinanggalingan mo at ang pinakamalaking lawa sa lugar nyo.
Dinama ko ang hangin, inangkin ko ang langit. Walang kapantay na kasiyahan, walang pigil na kalayaan.
" Maikli lang ang oras na meron ako, pero mahaba ang pagkakataon para pahalagahan ko ang oras na meron ako ". Walang makakapagsabi kung sa bawat pagliko mo may maganda kang madadatnan, wala ding makakapagsabi na sa ang bawat katapusan ay may magandang kahihinatnan. Pero isa lang ang sinasabi ng buhay, magpatuloy ka, sumubok ka, dahil dyan mo mabibigyan ng kulay ang iyong buhay. "
5:19 a.m
Saktong oras ng pag-alis sa aming tahanan. Kailangang umalis ng maaga upang hindi abutan ng init ng araw pag-akyat.
5:28 a.m
Narating namin ang bayan ng San Pablo kung saan kami naghintay ng jeep patungong Rizal, Laguna. ( Ako ay nakarating na sa Rizal noon ngunit hindi ko alam na mayroon pala itong natatagong isang banal na lugar )
Ganap na ika-anim na oras at siyam na minuto ng umaga ng makababa kami sa sa Paaralang Elementarya ng Rizal. At doon kami'y naghintay sa aming kasama. Naghanap na din ang aking Nanay ng aming masasakyat sapagkat may kalayuan ang aming lalakbayan papunta ng Tayak Hills. Dumating na kaibigan ng aking Nanay. Isang daan at limampo ang aming ibinayad para sa mahigit kumulang na labing-limang minutong byahe. "Tara na!"
Simula na |
Ningning ng Palayan |
Hanggang sa maibaba kami. Eto na ang simula ng aming paglalakad. 6:30 na ng umaga marahil noong kami'y ibinaba at napagpasyahan ng maglakad sapagkat masyado ng matataas ang daan at magiging mahirap at mapanganip kung kami'y sasakay pa.
Mayroong tuwid na daan na masarap sa paa, mayroong ding liko-liko na kung saan susubukan ang tatag ng iyong binti. " Penetensya na din natin ito.. tuloy lang tayo".
Sundan mo lang ang liwanag, 'tyak na makakarating ka sa paroroonan. |
Hindi naging madali ang paglalakad namin, sobrang nakakapagod at nakakaubos ng enerhiya, ngunit..... ngunit ng masilayan ko ito... " Napakabuti ng Diyos, napakabuti nya". Binusog nya ng pagkamangha ang aking mata at kalooban.
Maraming salamat sa sapatos ng kapatid ko. |
" Kaunti nalang, malapit na tayo.." Natatanaw na ng iyong mga mata, kaya malapit na. Wag kang panghinaan ng loob sapagkat may pagkakataon ka ng matupad ang isa sa mga hangarin mo.
7:30 a.m
Nakarating kami sa paanan. May mamang lumapit samin " Alam nyo pong may babayadan? " " Opo, eto po ang 120, tatlo kami ".. Nakita ko ang isang karatulang para sa ilulunsad na proyekto dito. Nagkakahalaga ng 3 bilyong piso at bigla akong nalula. Hiniling ko nalang na sana, sana magamit ito ng tama, sapagkat ang lugar na tulad nito ay dapat na ingatan. Sumandali kaming namahingi at nilabas ang baon naming tubig at pagkain.
7:45 a.m
Mahigit 300 hakbangin. Kaya ko'to. Konti nalang!
Malapit nako... malapit na...
Akin ng Natatanaw |
Eto na.
Ayan na.
Dali dali akong tumakbo kahit na hinihingal.
8:00 a.m
Sa Wakas! Sa Wakas! Agad kong kinuhanan ng litrato ang bawat tanawin na makikita ko. Nakakamangha! Nakakagalak!
At ang makita mo ang lugar na pinanggalingan mo at ang pinakamalaking lawa sa lugar nyo.
Unang Paglalakbay sa isang makabuluhang bakasyon |
9:00 a.m
Matapos ang isang oras na pananatili ay napagpasyahan na naming bumalik. Mas matagal ang pagbalik sapagkat walang kasiguraduhan kung may masasakyan kami pagbaba namin kaya dapat naming tiisin ang pagod. Sa aming pagbaba, isang taniman ng mga repolyo na minsan ko ng nasilayan noong kami'y nagtungo sa Baguio. Berdeng-berde, malamig sa mata.
Our Lady of Lourdes Shrine |
" Maikli lang ang oras na meron ako, pero mahaba ang pagkakataon para pahalagahan ko ang oras na meron ako ". Walang makakapagsabi kung sa bawat pagliko mo may maganda kang madadatnan, wala ding makakapagsabi na sa ang bawat katapusan ay may magandang kahihinatnan. Pero isa lang ang sinasabi ng buhay, magpatuloy ka, sumubok ka, dahil dyan mo mabibigyan ng kulay ang iyong buhay. "
Comments
Post a Comment