PAPA FRANCISCO = Ang Santo Papa ng Masa


Enero 18,2015




"Walang kasiguraduhan, walang tiyak na mapupuntahan, walang tamang oras ng pagdating at pagbalik, tanging ang pangarap at pananampalataya na siya ay makita ang aking naging puhunan." 





Alas-tres ng umaga, nakahanda na ang lahat maliban sa aking sarili. Kutsanita na pamunas ng pawis, Nikon d3200, rosaryo, pitaka na may sapat na laman para sa aking paglalakbay at isang bag na paglalagyan ng lahat. Patungo kami sa Unibersidad ng Santo Tomas, isang sikat na paaralan dahil sa ibinibigay nitong magandang kalidad ng edukasyon. Ngunit ang isa pa sa dahilan ay ang Katolismong komunidad na tinataglay nito kung kaya’t isa ito sa naging destinasyon niya. Sumakay kami ng byaheng Cubao sapagkat bibihira ang dumadaan patungong LRT Buendia ng mga oras na yaon. Alas-syete noong nakababa na kami patungo sa panibagong paglalakbay. 




  Nagtungo kami sa sakayan ng LRT, at nasaksihan ko ang mundong ginagalawan ng mga taga-Maynila. Nagkaroon ako ng matinding pagkagulat sa aking naranasan at nasaksihan; ang mga tao ay may kanya-kanyang ginagawa at wari mo’y walang pakeelam sa isa’t-isa. Isang lugar na palaging nagsisiksikan, nag-uunahan at may matinding pagpapahalaga sa oras. Bawal may masayang, ang bawat Segundo ay mahalaga. Parang nakakadena at nakadepende na ang kanilang buhay sa takbo ng oras. May isang oras kaming nakatayo at nakapila, umagang umaga ay pawisan na ngunit may halong pananabik sapagkat makakasakay nako ng LRT.







                “ Hindi ako standing ! “ Malamig, kakaunti ang nakasakay at magandang tanawin ang aking nakita.  Aking natanaw sa kaliwa ang Pambansang Museo na kinalalagakan ng Spoliarium ni Juan Luna na matagal ko ng gustong makita at ang Manunggul Jar na simula elementarya ay akin ng pinagmamasdan sa mga librong babasahin at sa dating sanlibong piso. Sa kanan ay ang Luneta na Park na sa aking pagpikit ay biglang pumasok ang araw na kung saan ay binaril ang ating Pambansang Bayani. Marahil nabuhay ako ng may pagkamangha sa nakaraan at pagkanais na kung bibigyan ng pagkakataon ay maranasan at mapunta sa panahon noon ( napaka imposible ). “Tayuman  na “.









Marahil ganto nga pag ang pinakamataas na pinuno ng simbahan ang darating. Nakaabang ang lahat, may mga pulis at may tangke pa. Hindi ako nakapasok at hindi ko din nakita ng buo ang Santo Papa, humihina ang pag-asa kong miski sa malayo ay masisilayan ko siya. Ngunit may isang lugar akong napuntahan. Namulat ang aking mata sa iba’t-ibang tao na aking nakasalamuha. May mga pumila ng alas-dyes ng gabi bago ang araw ng pag-bisita ngunit hindi nakapasok, naroon ang mga estudyante na nasigaw at makikita mo sa kanilang mata ang paninindigan sa kanilang mga ipinaglalaban. “ Papasukin nyo kami, kagabi pa kami dito. Maawa na kayo samin kuya! “ aniya sa mga pulis at opisyales na nakaharang sa gate. May limang oras kaming nag-intay, nagbaka sakali na makakalusot, makakapasok at mailapit ang aking mga dasal, paghingi ng patawad at paghiling ng mga kahilingan na madalas kong idinadaan sa dasal. 



VIVA SANTO NIÑO !

Imahe ng Pananabik..


Comments

Popular Posts