Tan-Kay


"Gaano mo kamahal si Kaykay?"


Sa aming pagtira sa pamilya Peñamante, may dalawang batang bukas palad na tumanggap samin at nagsilbing nakakabatang kapatid namin ng tatlong araw.

Cristian Jake Peñamante Perez, 8 taong gulang, nasa Ikalawang Baitang. Sa una kong obserbasyon sa kanya, nakakitaan ko sya ng pagiging magiliw sa bisita at hindi mahirap pakisamahan. Lahat ng tinatanong ko sa kanya ay kanya palaging sinasagot, sa tuwing yayayain ko syang maglaro, agad-agad syang pupunta at magsasabing " Sige kuya, tara ". Siya din ay isang masayahin at pala birong bata.
  Sabi ni Nanay Melina ( ang kanyang lola ), madalas daw nakikipag-ayaw si Tan-Tan at medyo tamad din daw mag-aral. Isang gabi habang kami'y kumakain, amin syan pinangaralan " Dapat ngayon palang maging masipag kana, lalo na sa pag-aaral. Tingnan mo kami nag-aaral kami para balang-araw magkameron kami ng magandang trabaho kaya dapat nag-aaral ka, kapag nag-aral ka magagawa mo lahat ng gusto mo. Pwede ka ding pumunta ng SM araw-araw dahil may pera ka" ( ang pabiro ngunit makahulugan naming pagsasabi ).


Cairis Jane Peñamante Perez, 6 na taong gulang, nasa Ikaunang Baitang. Isang cute at palaging nakabungisngis na bata ang nagpadagdag saya sa aking tatlong araw na pananatili sa kanila. Sa bawat ngiti nya'y kasabay ang haplos sa aking puso sapagkat nakikita ko sa kanya ang bunso kong kapatid. Biniro ko sya isang beses " Pogi ba si Kuya? " "Nung una po kayong dumating hindi, pero ngayon po Pogi na ", at sabay kaming tumawa.

Mahilig syang yumakap at palagi syang nakakabit sakin, madalas nya kong inaaamoy kahit pawisan nako. Hinding-hindi nawawala ang ngiting susimbolo sa buhay ng isang bata na tanging paglalaro at kasiyahan lamang ang nakikita at nadarama.... ngunit mali ako.





Sa pag-tagal ng aming pananatili ay nakita ko kung gaano kasaya ang dalawa sa piling ng isa't-isa. May mga oras na nag-aaway ngunit magbabati din agad at muling magsasama upang ipagpatuloy ang saya na dala ng bawat araw na lumilipas sa kanilang mga buhay.

Isang gabi pagkatapos ng aming aktibidades, naglalakad ako kasama si Tantan pauwi. Ang bahay nila ay nasa dulong bahagi ng Brgy. Cabuoan at kakaunting yapak nalang ang pagitan mula sa kabilang barangay, ang Brgy. Mabitak. Ang paligid ay madilim at tanging ang iilang ilaw sa bawat poste ang nagsisilbing liwanag sa daan. Walang halong pag-iisip ay bigla ko nalang natanong siya...


"Gaano mo kamahal si Kaykay?"

"Sobra.."

Binalikan ko sya ng tanong.

"Bakit mo sya mahal?"






"Kasi... kasi ayaw ko syang mawala"......

Panandaliang nilipad ng kanyang sinabi ang aking diwa at isip. Sa murang edad nya, naaninag nya na ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng pagiging magkapatid. Hindi ko alam kung pano nangyari pero napaka ganda ng sinagot nya na pati ang uri ng pag-iisip ko ay napukaw nya. Tinuruan nya akong mas pahalagahan ang pamilya ko at ipakita sa akin na walang bagay na makakatumbas kapag usapang pamilya na. Maraming salamat Tan-tan at Kay-kay sa pagpaparamdam na ang pagiging kunteto ay makakamtan mo pag ang hiniling mo ay isang simpleng buhay.












Comments

Popular Posts