REAL-IDAD

" Hanggang sa unti-unti kang pinapatay ng panaginip mo, sa pagdilat ng mga mata'y pighati ang nakikita at ang pagtibok ng puso'y wala na."

Umaga na, umaga na.

Ngunit ang takot ng gabing nagdaan ay naririyan parin. Sa bawat tunog na maririnig sa orasan ay katumbas ng nagmamadaling pintig ng puso na unti-unting humihila sa iyong paghinga.Sumandali kang pipikit kasabay ng paghinga ng malalim ( ********** ). "Buhay pa rin ako, Buhay parin ako." Ngunit saan patungo ang iyong buhay? Ngayong sa isip mo'y nag-tutunggali ang konsepto ng pangarap at ng realidad? Na hindi mo matakasan ang katotohanan na tumatakbo sayong pagkatao.

Dali-dali kang lumabas at tumingala, kalangitang punong-puno ng buhay at ang araw na nagbibigay liwanag sa sanlibutan ang sayo'y sumambulat, ngunit kasabay nito ay ang katotohanan na pagsapit ng gabi, unti-unti itong mababalot sa kadiliman at ang buwan naman ang syang mananaig. Kaya inilipat mo ang iyong tingin.

Nabighani ang iyong mata sa ganda ng pulang rosas sa hardinan, ang kanyang ganda'y namumukod tangi sa lahat. Hanggang sa unti-unti mong pinagmasdaan at napansin ang mga tinik na maaaring makasakit sayo kapag ito'y iyong hinawakan.

Tanggapin mo ang realidad na sa mundong ito'y nabubuhay ang kalungkutan, kabiguan, at maraming bagay na maghihila sayo upang hindi maging isang ganap na tao ngunit palagi mong iisipin na may kasiyahan at magagandang bagay na nilikha sa ating mundo dahil ang buhay natin ay patas lamang.

"Walang nanalo na hindi muna tumaya."


Comments

Popular Posts