Para kay Dodong

Dodong,

   Alam kong nagdesisyon ka na at wala nang makakabago nan. Minsan sa buhay ng tao, nakakagawa tayo ng mga bagay dahil sa bugso ng ating puso at pag-ibig. Hindi mo nalubos ang sayang nararapat mong maramdaman bilang isang binata dahil pinili mong magpakasal. Isang bagay siguro na taglay ko ngayon ang maaari kong ibahagi sayo, yun ay ang kakayahang maghintay. May mga bagay na dapat itinatama sa ating edad, sitwasyon at pagkakataon. Ang kabataan ay dapat magwagi o magtagumpay; ngunit sa tamang panahon at pamamaraan dapat. Ang kailangan mong gawin sa ngayon ay pahalagahan ang iyong asawa at mga anak. Bigyan mo sila ng iyong buong pagmamahal at ipakita na kaya mong maging isang huwarang ama sa kabila ng nangyari.


                                                                                                                    Ang iyong mambabasa.

Comments

Popular Posts