ULAN

Walang Pasok! Walang Pasok!

   Salamat sa unan at kumot na nagbibigay init sa napakalamig na hampas ng hangin. Alas otso na ng umaga ngunit ang dilim dilim. " Kakain na! Bumangon ka na! ", ngunit tila hinihila ako pabalik ng aking kama na nagsasabing " Dito ka lang, matagal ka ng walang mahabang pahinga" at tatlumpong minuto akong nanatili sa piling nya.

   Dalawang pandesal, isang sandok ng kanin, malinamnam na bacon at mainit na kape para sa umagahan. Masarap na umagahan para sa malamig na panahon. Muli akong bumalik sa aking kwarto, nagbasa ng storya ni Ginang Gilda Cordero-Fernando at muling humiga sa aking kama. Pumasok sa isipan ko ang mga bagay na gusto kong maging paglaki ko...

  " I want to be an Industrial Engineer " kaya nga nag IE ako. Pero madami pa bukod dyan. Gusto kong maging Historyador dahil matanong akong tao, matanong ako sa sarili ko, na saan nagmula 'to? Paano nagawa 'to ano 'to at kung anu-ano pang tanong. Gusto ko din ma'preserve ang mga bagay na konektado sa pamilya ko, kaya bawat litrato, mga dokumento na pagmamay-ari ng kamag-anak ko ay itinatago ko. 

  " Foto, Foto. Foto pa. "

  Madami akong pangarap sa buhay, hindi ko sure kung matutupad ko lahat. But what's imporrtant is kahit sa isip mo, kahit sa pangarap ko lang, nag-exist yung ganong klaseng idea na maaari ding pangarapin ng ibang tao. You can be different sa ibang tao, pero ang mahalaga hindi ka nagpa-control sa iispin ng iba. That's life. Hindi mo kelangang maging katulad nila, kelangan mo lang maging ikaw. 

  Dali-dali akong bumangon at kinuha ang aking camera.







Comments

Popular Posts