Jose
" P E P E "
Isang karaniwang pamumuhay ang aking nasaksihan buhat ng bumisita ako sa kanyang tahanan noong Miyerkules, ikalawang oras ng hapon. Wari'y naglalakad ako pabalik sa nakaraang nais na nais kong mapuntahan, bawat pagtapak ng aking paa sa niluma ng panahon na sahig ay nagbibigay ng ibang kagalakan sa isang pagkakataon na aking mararanasan at masasaksihan...
Sa aking pagpasok ay tila nabalot ng pagkamangha ang aking katauhan, mga lumang kagamitan, mga baryang mukha nya ang nakaukit, mga lumang kasulatan at isang hagdaan tungo sa kanyang buhay.
Pataas ng pataas, kaliwa sunod ay kanan at sa huling pagtapak, isang lugar na hinihiling na magkaroon ako balang araw, isang hapagkainan na higit sa limang katao ang pwedeng magsalu-salo, eleganteng ilaw na nagbibigay liwanag, mga upuan, ang kanyang kama na nagsilbing kanyang pahingaan sa kabila ng mga lathalaain na kanyang sinulat, mga pangbabatikos sa pamahalaan ng Espanyol.
Nariyan din ang kanilang munting kusina na kung pagmamasdan mo'y matatanaw mo na din ang isang kabukiran at ang malinis nitong hangin sa sobrang payak ng kanilang pamumuhay.
Sa munting paglalakbay kong ito, napatunayan ko na kahit ang mga bayani na hinahangaan nating lahat ay may simpleng pamumuhay lang din, na pagkatapos ng lahat ng ginawa ay uuwi padin sa kanyang munting tahanan. Walang mas sasarap sa pakiramdam na ang bawat sulok ng iyong tahanan ay nagkakasilbi, mapa'normal na tao ka man o bayani.
Comments
Post a Comment