Tumayo ako at humarap sa kanya habang siya ay aking pinagmamasdan, napansin na ang kanyang katauhan ay kakaiba, kakaiba sapagkat hindi naging ganoong kadaling mabigyan ng husga ang kanyang tindig at ako ay nililigaw ng kanyang mapanlinlang na ngiti. Biglang nalihis ang tingin ko sa kanyang mga mata at hindi ko inaasahan ang aking nakita. Isang taong lubos na magpamahal kahit nasasaktan, isang taong masiyahin kahit nalulungkot na, isang pagkataong hindi lang ang sarili ang bumubuo sapagkat palagi nyang isinasaalang-alang ang kapakanan at nararamdaman ng iba, at higit sa lahat, isang taong marunong ding masaktan, umiyak, mabigo, umasa, at mapagod. Tao ka lang din sabi ko sa kanya, wag mong pigilan dahil ang pagkasawi ay parte ng tinatahak mong buhay.

Comments

Popular Posts